-- Advertisements --

Inamin ng Manila Electric Company na nagbayad ito p19-million sa Energy Regulatory Commission (ERC) bilang danyos dahil sa bigo nitong pagbibigay ng billing advisories noong ipatupad ang lockdown sa National Capital Region (NCR).

Dahil sa kapabayaang ito ay milyon-milyong Pilipino ang galit na nagreklamo dahil nagulat ang mga ito sa kanilang electric bill.

Sa isinapublikong desisyon ng ERC, nakasaad dito na hindi umano sumunod ang Meralco sa mandato para sa staggered payment aggreement para sa mga consumers.

Sa panig naman ng Meralco, sinabi ng kumpanya na naghain sila ng Motion for Partial Reconsideration kaugnay sa direktiba na magbibigay ng retail rate discount sa kanilang mga customers.

Ang lifeline rate ay ang discounted rate na binibigay sa mga low income households na hindi kayang bayaran ng buo ang kanilang bill.

Habang nakabinbin ang resolusyon sa mosyon ay ipapatupad naman ang retail rate discount sa October 2020 billing.