Muling naglabas ng paalala ang Manila Electric Company (MERALCO) sa lahat ng kanilang mga kliyente hinggil sa tamang paggamit ng kuryente ngayong panahon ng El Niño.
Kinakailangan din na tutukan ng publiko ang kanilang konsumo lalo na’t aasahan ang pagtaas sa nito dahil sa init ng panahon.
Ginawa ng Meralco kasabay ng anunsyo na ₱0.08 sentimos kada kilo-watt hour na umento sa kanilang singil sa bayarin ngayong buwan ng Enero.
Ayon sa MERALCO, mas mabuti kung magiging masinop ang mga consumer sa paggamit ng kanilang mga appliances at iba pang kagamitan na malakas kumain ng kuryente.
Hindi rin aniya makakabuti ang sobrang paggamit ng kuryente dahil sa mainit na panahon.
Samantala, pinayuhan ng Meralco ang publiko na hugutin sa saksakan ang mga kagamitang hindi ginagamit.
Limitahan din ang paggamit ng plantsa at linisin ang filter ng kanilang aircon.