-- Advertisements --

Nakiisa ang Manila Electric Company sa paghahanda para sa inaabangang prusisyon ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Wala pang dalawang linggo bago ang traslacion procession ng kagalang-galang na Poong Hesus Nazareno, tumugon ang Meralco sa kahilingan ng Manila local government unit na magsagawa ng wire-clearing operations sa ruta ng prusisyon ng Itim na Nazareno upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto.

Sa pakikipagtulungan ng pamahalaan ng Lungsod ng Maynila at mga telecommunication at cable companies, ay nagsagawa ang power firm ng Anti-Dangling and Unauthorized Wire Attachment Operation sa Quiapo, Maynila.

Ito ay upang makatulong na matiyak ang kaligtasan ng inaasahang malaking pulutong ng mga deboto na bahagi sa prusisyon tatlong taon pagkatapos ng pandemya.

Noong nakaraang taon, nagsagawa ng Walk of Faith ang Quiapo Church na dinaluhan ng libu-libong mananampalataya.

Sa katatapos na wire clearing operations o Operation Urban Blight, inalis ng mga crew at engineer ng Meralco ang mga idle wire at sinuri ang integridad ng mga poste sa ruta ng prusisyon para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Nagsagawa rin ng walkthrough ang mga organizer sa ruta ng traslacion at nanawagan sa mga deboto ng Itim na Nazareno na maghanda para sa Nazareno 2024 upang makatulong na matiyak ang maayos, mapayapa at ligtas na prusisyon.