Tiniyak ng Meralco na naka-standby ang kanilang mga crew 24/7 at handang tumugon sa anumang posibleng aberya sa serbisyo ng kuryente sa gitna ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Kaugnay nito, muling binigyang diin nito ang panawagan sa publiko na obserbahan ang mga safety measure kapag gumagamit ng electrical devices at appliances lalo na kapag may baha.
Narito ang ilang safety measures: una siguruhin nakapatay ang main electrical power switch o circuit breaker at huwag hahawakan ang anumang electical facility ng basa ang kamay.
Ikalawa, tanggalin ang mga nakasaksak na appliances mula sa wall sockets at iba pang konektadong equipment at i-unscrew ang lahat ng light bulbs kung maaari.
Ikatlo, tanggalin ang putik at dumi mula sa service equipment o main circuit breaker o fuse at iba pa.
Samantala, hinimok naman ni Meralco head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga ang publiko na dapat panatilihing bukas ang komunikasyon at i-charge ang mga mobile phone at iba pang communication devices at makinig sa public service radio stations sakaling magkaroon ng power interruptions.