Nakatakdang i-anunsyo ng Manila Electric Railroad and Light Company (MERALCO) ang posibleng mas mababang generation charges sa susunod na linggo.
Inaasahan kasi ng MERALCO ang mas mababang generation charges para sa kabuuan ng buwan ng Disyembre, kasunod na rin ng mas mababang bilang ng mga power plants na naitalang nagka-outage nitong nakalipas na buwan ng Nobiembre.
Posibleng sa araw ng Martes ay i-aanunsyo na ito ng kumpanya, at epektibo na rin sa kasalukuyang buwan.
Nitong buwan ng Nobiembre ay itinaas ng MERALCO ang singil sa kada-kilowatt hour (kWh) sa mga power consumer.
Ito ay nadagdagan ng ₱0.2347 per kilowatt hour (kWh), kung saan ang babayarang konsumo ng isang tipikal na bahay ay aabot na sa P12.0545 kada-KWH mula sa dating P11.8198 per kWh noong Oktubre.