-- Advertisements --

Nakatakda mag-refund ng P P19.9 billion ang Meralco sa mga customer nito dahil sa mga overrecoveries mula noong Hulyo 2022 hanggang Disyembre 2024.

Ito’y matapos i-pagutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang average na refund na P0.12 kada kilowatt-hour (kWh) para sa lahat ng mga customer nito habang maibabalik naman ang P0.20 kada kWh sa mga residential customer ng Meralco sa kanilang mga bill sa loob ng tatlong taon.

Inutusan din ng ERC ang Meralco na agad ipatupad ang refund sa susunod na billing cycle. Upang matiyak ang transparency.

Ang refund rate ay ipapakita bilang isang hiwalay na item sa bill ng mga customer na may label na “AWAT (Refund)/Collect.” Kinakailangan ding magsumite ng regular na mga ulat ang Meralco hanggang sa mabayaran ang buong halaga ng over-recovery.

Gayunpaman, binigyang-diin ng ERC na ang provisional order ay i-sasailalim pa sa mga karagdagang pagsusuri at beripikasyon bilang bahagi ng kanilang final evaluation rates noong Hulyo 2022 hanggang Hunyo 2025.