Kinumpirma ng pamunuan ng Manila Electric Company o Meralco na magpatupad sila ng power interruption sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila at rehiyon ng Calabarzon sa Pebrero 10 hanggang 17.
Dahil sa mga maintenance activity na gagawin ng kumpanya. Ang mga power outage ay bahagi ng mga hakbang ng Meralco para sa mga facility upgrades, line reconstruction, pag-install ng mga poste, at iba pang mga preventive maintenance.
Inilabas ng kumpanya sa kanilang website ang detalyadong iskedyul at listahan ng mga lugar na maaapektuhan power interruptions.
Narito ang mga apektadong lugar at oras ng mga outage:
- Pebrero 10, 2025:
Quezon City (Culiat) – 10 a.m. hanggang 3 p.m.
Bahagi ng Pura Villanueva Kalaw St. mula Teodoro M. Kalaw St. hanggang Tyrone, Teddy III, Maria Eva, Salvi, at Maria Manguiat Sts. sa Tierra Pura Subdivision.
Pebrero 11, 2025:
Quezon City (Greater Lagro) – 10 a.m. hanggang 3 p.m.
Bahagi ng Misa De Gallo St. malapit sa Pantomina Mayor St. hanggang La Mesa Heights Subd.; Ascension, Tatlong Hari, Rondalla, Justica, at Rosa Mystica Sts.
Taguig City (Fort Bonifacio) – 11:30 p.m. hanggang 11:59 p.m.
Bahagi ng 5th Ave. mula 26th St. hanggang sa Rizal Drive, kabilang ang Embassy of Singapore, Manila, Fort Victoria, Icon Showroom, at Sun Life Centre sa Bonifacio Global City (BGC).
Laguna (Calamba City) – 10 a.m. hanggang 3 p.m.
Bahagi ng Puting Lupa Road mula sa South Luzon Expressway (SLEX) hanggang Makiling Hills Subd., Ridgemont South Subd., Woodlands Subd., at Ayala Greenfield Estates sa mga Barangay.
- Pebrero 12, 2025:
Taguig City (Fort Bonifacio) – 4 a.m. hanggang 4:30 a.m.
Bahagi ng 5th Ave. mula 26th St. hanggang sa Rizal Drive, kabilang ang Embassy of Singapore, Manila, Fort Victoria, Icon Showroom, at Sun Life Centre sa Bonifacio Global City (BGC).
Laguna (Calamba City) – 9 a.m. hanggang 2 p.m.
Bahagi ng Diversity Ave. mula sa Avida Village Main Gate hanggang sa Driving Range Nuvali sa Bgy. Canlubang.
- Pebrero 13, 2025:
Quezon City (Balara at Batasan) – 9 a.m. hanggang 9:30 a.m.
Bahagi ng Vicente Ave. mula malapit sa T. F. Valencia St. hanggang Emerald Royale Subd., at Josefa St. sa North Susana Executive Village, Bgy. Old Balara.
Iba pang mga maikling outage mula 9:40 a.m. hanggang 12 p.m. sa iba’t-ibang kalye sa Bgy. Old Balara, Balara, at Batasan.
Laguna (Calamba City) – 11:30 p.m. hanggang 4:30 a.m. (Pebrero 14, 2025)
Bahagi ng San Jose Road mula Bigasan Sa San Jose hanggang San Juan Road.
- Pebrero 13 & 14, 2025:
Laguna (Majayjay, Rizal, Nagcarlan, Liliw, Magdalena, at Sta. Cruz) – 10 p.m. hanggang 11 p.m. (Pebrero 13) at 5 a.m. hanggang 6 a.m. (Pebrero 14) Maraming lugar sa kalsada at Barangay sa Majayjay, Rizal, Nagcarlan, Liliw, Magdalena, at Sta. Cruz.
- Pebrero 15 & 17, 2025:
Cavite (Dasmariñas, General Trias, Imus) – 11 p.m. hanggang 11:59 p.m. (Pebrero 15) at 12:01 a.m. hanggang 1 a.m. (Pebrero 17)
Maraming lugar sa Dasmariñas City, General Trias City, at Imus City, kabilang ang mga subdivisions, residential areas, at mga institusyon sa mga pangunahing kalsada tulad ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway, Governor’s Drive, at iba pa.
- Pebrero 16, 2025:
Cavite (Dasmariñas, General Trias, Imus) – 12:01 a.m. hanggang 1 a.m. at 11 p.m. hanggang 11:59 p.m.
Naka-iskedyul na outage ay kabilang ang San Miguel Corp. – Yamamura sa Bgy. Anabu II-F, Imus City.
Pinapaalalahanan ng Meralco ang mga apektadong customer na maghanda para sa mga posibleng pagkawala ng kuryente at gamitin ang kuryente ng matiwasay.
Para sa karagdagang detalye, hinihikayat ang mga customer nito na bisitahin ang website ng Meralco o makipag-ugnayan sa kanilang customer service.