-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Manila Electric Company ang patuloy na pagbabantay sa power situation sa Luzon Grid.

Kasunod ito ng itinaas na Yellow Alert status sa naturang grid ngayong araw.

Sa isang pahayag , hinimok ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente ngayong tag-init.

Inaasahan na kasi ang pagtaas ng demand sa kuryente tuwing mainit ang panahon.

Kaugnay nito ay tiniyak ng kumpanya na nakahanda silang magpatupad ng mga hakbang katulad ng Interruptible Load Program sakaling kailanganin.

Ayon sa Meralco, ang Interruptible Load Program ay itinuturing bilang demand-side management program.

Sa ilalim nito ay hinihikayat ang mga naglalakihang negosyo na maghanda at gumamit ng mga generator sets .

Layon nito na maiwasan na mabawasan ang demand ng kakailanganing kuryente mula sa Grid.

Makakatiyak rin na hindi maaapektuhan ang supply ng kuryente sa mga kabahayan.