-- Advertisements --
image 610

Pinapalakas ng Manila Electric Company (Meralco) ang mga pagsisikap na labanan ang urban blight sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga ilegal na linya na konektado sa mga utility post nito at pag-aayos ng mga low-hanging wires na nagsasapanganib sa kaligtasan ng publiko.

Ayon kay Meralco VP president Joe Zaldarriaga, papalitan nila ang ibang mga posted kung kinakailangan at tatanggalin naman ang iba pang poste.

Ang inisyatiba ay bahagi ng Urban Blight Campaign ng Meralco, na naglalayong i-upgrade ang mga electrical facility nito sa gitna ng malawakang iligal na koneksyon na dulot ng kahirapan sa pagsubaybay sa panahon ng pandemya.

Aniya, ang mga third-party partners, tulad ng telecommunication firms at cable television providers, ay dapat kumuha ng permit mula sa Meralco at local government units bago idikit ang kanilang mga linya sa mga poste ng utility.

Kung matatandaan noong unang bahagi ng Agosto, maraming poste ang gumuho sa Binondo, na ikinasugat ng hindi bababa sa tatlong tao at nasira ang ilang sasakyan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang assessment ng Meralco sa mga utility post at wires sa Metro Manila upang malaman kung dapat ba na tanggalin ang wires sa mga poste partikular na kalsada.