Dumaranas ng power interruption ang 4,000 power consumer sa ilalim ng Manila Electric Company (Meralco) kasunod ng pananalasa ng bagyong Enteng.
Ayon sa Meralco, ang mga ito ay mula sa Metro Manila, Cavite, at probinsya ng Rizal.
Ayon naman kay Meralco vice president at head of corporate communications Joe Zaldarriaga, marami sa mga kabahayan na nawalan ng power supply ay mga nabaha dahil sa matinding pag-ulan.
Tuloy-tuloy naman aniya ang ginagawang evaluation sa sitwasyon upang agad maibalik ang supply ng kuryente oras na matukoy na ligtas na na.
Dagdag pa ni Zaldarriaga, nag-iikot ang mga crew at personnel 24/7 upang magsagawa ng evaluation sa mga ito at tuluyan nang maibalik ang power supply.
Hinikayat naman ng Meralco ang mga power consumer na ireport lamang ang mga bagong power interruption na maranasan upang maihanay ito sa re-energization na ginagawa nito, kasunod ng naging pananalasa ng bagyo.