-- Advertisements --

Tiniyak ng Manila Electric Co. (Meralco) sa 7.8 milyong customer nito ang tuloy-tuloy, maaasahan, at matatag na serbisyo ng kuryente ngayong Semana Santa.

Sa kabila ng pagsasara ng Meralco Business Centers mula Marso 28 hanggang 30 para sa Easter Triduum observance, sinabi ng power distributor na naka-standby ang mga tauhan nito 24/7 para tugunan ang anumang alalahanin ng customer kaugnay sa serbisyo ng kuryente.

Lahat ng Meralco Business Centers ay nakatakdang ipagpatuloy ang operasyon sa Abril 1.

Kasabay ng pagsisimula ng tagtuyot, pinapaalalahanan din ng Meralco ang publiko na isabuhay ang electrical safety at energy efficiency para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Kabilang sa precautionary measures ang pag-unplug ng mga hindi nagamit na appliances, pag-iwas sa overloading power outlets na may maraming device, at pag-iwas sa running electrical cords sa ilalim ng mga rugs o carpet.

Higit pa rito, pinapayuhan ng Meralco ang mga customer na panatilihing maayos at ligtas na naka-organize ang mga wire at cord, gayundin na ilayo ang mga electrical equipment sa mga pinagmumulan ng tubig para mabawasan ang panganib ng mga electrical hazard.