-- Advertisements --
Tumaas ang merchandise export sa bansa nitong nakaraang buwan ng Marso.
Ayon sa Department Trade and Industry (DTI) mayroong 31 percent ang itinataas ng mga export sale o katumbas ng $6.68 billion kumpara sa $5.079 billion noong parehas na buwan noong nakaraang taon.
Ang nasabing data ay mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan mas mataas pa ito kumpara noong March 2019 na mayroon lamang na $6.03 billion.
Karamihan ang tumaas ay ang mga electronics na umabot sa 25% noong Marso.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na nagkaroon ng malaking demand sa IT systems upgrades, bagong smartphones, auto demand at automation.