-- Advertisements --
AGUSAN
AGUSAN marsh

BUTUAN CITY- Inindorso na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR-Caraga) sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, ang fish sample na nakuha mula sa Agusan Marsh.

ito ay matapos na matuklasan sa inisyal na pagsisiyasat ng mga environmentalists na tumaas ang mercury level ng iilang parte ng naturang marsh.

Ayon kay DENR-Caraga Regional Executive Director Felix Alicer, layunin nitong mapalalim ang pagsiyasat ng BFAR at upang makapagbigay paalala sa publiko sa posibleng epekto sakaling kakain sila ng isda na kontaminado ng nasabing kemikal.

Ibinunyag ng opisyal na resulta ito ng mining activity sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur at sa kalapit na probinsya ng Compostela Valley kung saan ang ginagamit nitong mercury sa pagproseso ng ginto, ay dadaloy patungong Agusan Marsh.

Sa kabilang dako, siniguro ng nasabing ahensya ang gagawing hakbang upang mapreserba pa ang Agusan Marsh bilang wildlife sanctuary sa pamamagitan ng pinalakas na kampanyang nagpoprotekta dito.