-- Advertisements --

Hindi na matutuloy ang planong merger ng dalawang government banks na Development Bank of the Philippines (DBP) at Land Bank of the Philippines.

Kinumpirma ni Department of Finance Secretary Ralph Recto na ang nasabing usapin.

Dagdag pa nito na hindi magandang tignan ang nasabing merger ng 2 government banks ganun na parehas na miyembro na Maharalika Investment Fund.

Base sa kaniyang opinion na kailangan ng bansa ng 2 government depository banks dahil magkaiba naman ang kanilang mga mandato.

Hindi na rin kailangan na magpalabas ng resolusyon ukol sa nasabing pagtanggal ng merger.