-- Advertisements --

Nagkasundo si German Chancellor Angela Merkel at Palestinian President Mahmoud Abbas dapat magkaroon ng usaping pangkapayapaan para matigil na ang kaguluhan nila ng Israel.

Ito ang sentro ng pag-uusap ng dalawang lider sa telepono.

Sang-ayon din si Merkel sa pahayag ng Israel na pagdepensa sa sarili nito laban sa rocket attacks mula sa mga miltants sa Gaza.

Magugunitang maraming mga world leaders ang nanawagan sa Israel at Palestine na magkaroon ng ceasefire dahil sa dumaraming mga nadadamay na mga sibilyan.