-- Advertisements --
German Chancellor Angela Merkel
German Chancellor Angela Merkel/ IG post

May mga inilatag na panuntunan si German Chancellor Angela Merkel sa pagpapaluwag na ng kanilang lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Ilan dito ay maari ng magsagawa ng pagpupulong ang mga mamamayan basta’t obserbahan ang 1.5 meters distance.

Mananatili lamang ang social contact ng hanggang Hunyo 5.

Ang mga negosyo ay bubuksan subalit kailangang may ipatupad na hygiene measures.

Isinagawa ni Merkel ang anunsiyo sa video meeting niya sa prime ministers ng 16 na estado ng Germany.

Maaari na ring mabuksan ang mga simbahan at religious services basta magpatupad ng striktong hygiene measures.

Umaabot na kasi sa mahigit 167,000 ang kaso ng coronavirus at mahigit 7,000 na ang nasawi sa nasabing bansa.