VIGAN CITY – Hindi pa umano maglalabas ng timeline ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa isinasagawang search, rescue and retrieval operations sa gumuhong Chuzon supermarket sa Porac, Pampanga dahil sa lindol na yumanig sa Central Luzon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni NDRRMC executive director at Usec. Ricardo Jalad, sinabi nito na ngayon ay mayroon pang nahahagilap na “signs of life†o palatandaan na mayroong buhay sa ilalim ng gumuhong gusali ang detection equipment na ginagamit ng mga search, rescue and retrieval team sa lugar.
Ito ay sa kabila na nasa tatlong araw na ang puspusang paghahanap sa mga natabunan.
Dahil dito, tuloy-tuloy lamang umano ang kanilang operasyon hanggang sa matagpuan ang lahat ng mga napaulat na nawawalang indibidwal.
Idinagdag pa nito na hangga’t mayroong mga residente na nagrereport sa kanila na nawawala ang kanilang mga kamag-anak ay tuloy ang kanilang operasyong isasagawa.
Kaninang umaga ay sinasabing umakyat na sa 18 ang patay dahil sa nag-collapse na supermarket kasunod ng 6.1 magnitude nitong nakalipas na Lunes, April 22.