-- Advertisements --

Tumugon na ang American reference dictionary Merriam-Webster sa hiling ng isang black woman na palitan na ang ibig-sabihin ng racism.

Sumulat kasi si Kennedy Mitchum na graduate sa Drake University sa Iowa sa Merriam-Webster para i-update ang termino nito.

Kailangan aniya na isama nila na ang termino ay isang opresyon sa grupo ng tao at hindi lamang ang pag-ayaw sa isang tao.

Sinabi naman ni Merriam-Webster editorial manager Peter Sokolowski na kanilang babaguhin ang ibig sabihin nito dahil sa hiling ni Mitchum.

Dahil dito ay mayroon ng tatlong ibig-sabihin na ngayon ang racism.

Sa kasalukuyang bersiyon ay ang ibig sabihin nito ay ” a doctrine or political program based on the assumption of racism and designed to execute its principles”.

Paliwanag pa ni Sokolowski na ang nasabing pagpapalit at pagbago ay bahagi ng patuloy na pagbabago ng kanilang nilalaman.