Aabot umano sa 137 million doses ng COVID-19 vaccines ang kabuuang darating sa mga huling buwan ng taong kasalukuyan.
Dahil dito naniniwala si National Task Force Against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. ng mas maayos na Christmas celebration ngayon kumpara noong nakalipas na taon.
Sa ngayon daw ang Pilipinas ay nakatanggap na ng kabuuang 51,900,590 doses ng COVID-19 vaccine doses na mga binili at mga natanggap na donasyon.
Sa mga dumating na bakuna mula noong buwan ng Pebrero na binili ng gobyerno, umabot sa 31,347,230 doses ang nasa 3,617,100 doses ay order ng private sector at mga local government units.
Habang ang 13,297,120 doses naman ay donasyon mula sa COVAX Facility ng WHO at ang 3,639,140 doses din ay mga donasyon mula sa iba pang mga bansa.
Iniulat din ni Sec. Galavez na umabot naman sa 44,804,170 vaccine doses ang diniploy nationwide.
Umabot na rin sa 33,706,95 doses ang naiturok kung saan 19,747,877 katao ang nakatanggap na ng first doses at nasa 13,958,418 na ang mga protected.
Ipinagmalaki pa ni Sec. Galvez na ang average vaccination rate ngayon mula noong Aug. 1 ay nasa 426,653 doses kada araw ang mga naituturok bakuna.