-- Advertisements --
Pagbabawalan munang maglaro sa international football ang Argentina captain na si Lionel Messi.
Tatlong buwan ang ipinataw na suspensyon kay Messi dahil sa mga kinakaharap nitong kontrobersiya.
Sinasabing ilan sa rason ng pansamantalang ban ang engkwentro nito kay Gary Medel ng Chile at ang alegasyon ng korapsyon sa Copa America.
Pinagmumulta rin ng Conmebol si Messi ng $50,000 o katumbas ng P2.5 million.
Mayroon namang pitong araw ang kampo ng football star para i-apela South American Football Confederation ang ipinataw na parusa.