-- Advertisements --
Hindi makakasama si Lionel Messia sa exhibition games ng Barcelona sa Estados Unidos kontra sa Napoli.
Ito’y matapos na umalis si Messi sa kanyang unang preseason training session kasama ang club dahil sa dinaranas nitong strain sa right calf.
Sa pahayag ng Spanish champion, nag-back out daw si Messi sa kanilang pagsasanay dahil sa nararamdaman nitong pananakit sa kanyang kanang binti.
Hindi naman sinabi ng koponan kung kailan nila inaasahang magiging malusog ulit si Messi.
Sa darating na Huwebes (local time) ay maglalaro ang Barcelona sa Miami Gardens, Florida, at sa Sabado sa Ann Arbor, Michigan.