-- Advertisements --

Hindi na sumailalim sa coronavirus testing ang football star na si Lionel Messi.

Ito kasi ang requirement ng Barcelona Football Club para sa kanilang pagsisimula ng training.

Magugunitang noong nakaraang Linggo ay nagpahayag na si Messi na ito ay aalis na sa nasabing koponan.

Ayon naman sa Barcelona na nais nilang palawigin ang kontrata nito hanggang Hunyo 2021 at itinanggi nilang inaayos ang paglilipat nito ng ibang koponan.