-- Advertisements --

Naging susi si football star Lionel Messi para makapasok ang koponan nitong Argentina sa finals ng Copa America.

Nagwagi ang US 2-0 kontra sa Canada sa ginanap na semifinals.

Unang nagtala ng goal si Julian Alvarez sa first at pagpasok ng second half ay naipasok ng 37-anyos na si Messi ang goal para madoble ang kalamangan na ng La Albiceleste.

Ito na ang pang-anim na finals appearance ng Argentina sa nagdaang walong torneo at pangalawang magkasunod na taon kung saan nagkampeon sila noong 2021.

Makakaharap nila ang sinumang manalo sa pagitan ng Uruguay at Colombia.