Mistulang nagka-injury si eight-time Ballon D’or Winner Lionel Messi matapos umalis nang maaga sa second half ng finals sa pagitan ng Argentina at Colombia sa Hard Rock Stadium para sa Copa América.
Sa naturang laban ay makikitang nasaktan si Messi habang tinatangka niyang habulin ang bola at sinubukan itong Sipain bago pa man lumabas at ideklarang Out-of-bounds.
Dito ay biglang bumaliktad si Messi at agad hinawakan Ang Kaliwang Binti.
Agad Naman siyang pinuntahan ng mga trainers at dinala sa sideline, tinapos pa rin ng batikang football player ang laro, habang nanonood kasama ang mga bench ng kanyang koponan.
Ang 37-anyos na si Messi ay dati na ring dumaranas ng leg injury sa kabuuan ng Torneyo sa katunayan, hindi siya nakapaglaro sa group stage finale ng Argentina, bago nakapasok sa finals.
Sa kabila ng maagang pag-alis ni Messi, nagawa pa rin ng kaniyang team na maipanalo ang laban kontra Colombia sa pamamagitan ng goal ni Lautaro Martinez, daan upang maibulsa ng koponan ang ika-16 Na Copa Crown.
Ang Copa America o America’s Cup ay ang pinaka-prestihiyosong football tournament para sa mga football team ng South America.