-- Advertisements --

Nanindigan si football star Lionel Messi na nagkaroon ito ng injury kaya hindi siya nakapaglaro sa friendly games nila sa Hong Kong.

Sa inilabas na video ng 36-anyos na Argentine superstar na dahil sa kaniyang injury ay hindi ito pinaglaro ng kaniyang doctors.

Magugunitang ikinagalit ng mga Chinese fans nito na nanood sa laro dahil sa hindi nila nasilayan sa football field si Messi.

Mas lalong nagalit pa ang mga fans nito sa China dahil pagkatapos ng ilang araw noong Pebrero 4 ay naglaro naman ito sa exhibition games nila sa Japan.

Dahil sa insidente ay kinansela ng mga opisyal ng China ang dalawang friendly games ng Argentina na magaganap sa Marso.