-- Advertisements --
Napaluha si football star Lionel Messi ng kumpirmahin ang pag-alis niya sa Barcelona Football Club.
Sinabi nito na hindi niya matanggap ang umalis dahil dito niya ginugol ang buong career niya.
Natapos na kasi ang kontrata ng 34-anyos na Argentine superstar noong Hunyo.
Inamin ng Barcelona na hindi na nila kayang bayaran ang football star dahil nahaharap sila sa financial na suliranin.