-- Advertisements --
ronaldo messi
Messi and Ronaldo

Kinilala ng Forbes si Lionel Messi bilang pinakamayamang soccer player sa buong mundo.

Ayon sa Forbes, mayroon itong kabuuang yaman na $126 million.

Ang $92 million dito ay mula sa kaniyang sahod habang $34 million ay mula sa kaniyang mga endorsements.

Nasa pangalawang puwesto naman ang isa pang football superstar na si Cristiano Ronaldo na mayroong kabuuang assets na $117 million.

Pumapangatlo ang Brazilian star na si Neymar na mayroong $96 million na yaman.

Habang nasa pang-apat na puwesto ang 21-anyos na si Kylian Mbappe na tinatayang may $42 million.