-- Advertisements --
May paraan na ginagawa ngayon ang Meta Platform Inc. ang may hawak ng social media sites na Facebook at Instagram para mapigil ang tinatawag ng “coordinated campaigns” at magmanipula ng mga pampublikong debate para sa 2022 national elections.
Sinabi ni Meta head of politics and government outreach for Asia and Pacific Roy Tan na iniimbestigahan na nila ang “coordinated inauthentic behaviors” (CIB) sa kanilang platforms.
Nagkaroon na rin aniya sila ng pagbabgo sa mga polisiya sa bullying at harrassment.
Pinalakas na rin anila ang kanilang toolkit laban sa mga harmful na klase ng mga networks.