-- Advertisements --
Humingi ng pang-unawa ang kumpanyang Meta matapos na nagkaroon ng problema ang mga inooperate nila na mga social media gaya ng Facebook, WhatsApp, Instagram at Threads.
Ayon sa Downdetector na nagsimula ang problema nitong alas-2 ng umaga oras sa Pilipinas.
Maraming mga users ng nasabing social media ang hindi makapag-post at makapagpadala ng mensahe.
Dagdag pa ng Meta na kanilang inaayos na ang nasabing problema.
Dahil dito ay ipinarating ng mga social media users ang kanilang hinaing sa X ang karibal ng Meta na pag-aari ng bilyonaryong si Elon Musk.
Matapos ang mahigit isang oras ay naayos na ng Meta ang nasabing mga problema.