-- Advertisements --

Kabilang ang bandang Metallica na magtatanghal sa Super Bowl celebration.

Ito ang unang public appearance ng nasabing heavy metal band ngayong 2021.

Magtatanghal sila sa special Super Bowl Weekend edition sa The Late Show With Stephen Colbert sa darating na Pebrero 8.

Huling nagtanghal ang banda noong Nobyembre 2020 sa All Within My Hands Foundation livestream kung saan nakalikom sila ng $1.3 million.

Bukod sa nasabing banda ay makakasama rin sa nasabing event ang bandang Green Day.