-- Advertisements --

Pumanaw na ang actress na si Barbie Hsu, ang Taiwanese na aktres na kilala sa kaniyang role bilang si ‘Shan Cai’ sa sikat na teleserye noon na ‘Meteor Garden’, sa edad na 48.

Ayon sa ulat ng local Chinese news portal, pumanaw si Hsu dahil sa sakit na pneumonia na dulot umano ng trangkaso habang ito’y nasa bakasyon sa Japan.

Habang sa iba pang ulat na nakalap ng local news sa Taiwan na nakausap umano ang kapatid ni Barbie na si Dee Hsu at kinumpirma umano nito na kasama sila ng actress na nagbakasyon sa Japan.

‘Our whole family came to Japan for a trip, and my dearest and most kindhearted sister Barbie Hsu died of influenza-induced pneumonia and unfortunately left us,’ pahayag nito sa kaniyang agent.

Samantala sa pagpanaw ni Barbie Hsu ay maiiwan nito ang kaniyang Korean Musician na si DJ Koo at ang kaniyang 10-taong gulang na babaeng anak at walong taong gulang na lalaking anak mula sa kaniyang ex-husband na si Wang Xiao Fei kung saan naghiwalay noon lamang 2021.