-- Advertisements --

Magdadala umano ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang trough ng low pressure area (LPA) sa Metro Manila, Aurora, Bulacan, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Caraga at Visayas.

Ayon sa Pagasa, posibleng magkaroon ng flash flood o landslide sa mga lugar na makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na mga pag-ulan.

Magiging maulap din na may kasamang pag-ulan sa Cagayan Valley at sa Cordillera Administrative Region dahil naman sa hanging amihan.

Habang ang Ilocos Region ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated light rain dahil din sa Northeast Monsoon.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makararanas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rain showers dahil sa localized thunderstorms.

Dakong alas-3:00 ng umaga, namataan ang isang LPA sa layong 95 km silangan ng Catarman, Northern Samar.

Habang ang isa pang LPA ay huling nakita sa layong 55 km kanluran timog-kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.