-- Advertisements --

Nanguna ang Metro Manila at limang rehiyon sa bansa na mayroong pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire kabilang sa may mataas na kaso ng COVID-19 ay ang Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas at Northern Mindanao.

Ang nasabing mga lugar ay nagtala ng mabilis na growth rate mula positive hanggang negative sa loob ng dalawang linggo.

Nakitaan naman ng positive growth rates ng COVID-19 cases sa loob ng anim na linggo ang Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.

Binabantayan din nila ang sitwasyon sa Northern Mindanao at Davao Region dahil sa pagtaas ng utilization para sa mga intensive care units.

Mayroon lamang isang porsyento ang pagtaas ng COVID-19 sa loob ng dalawan linggo mula Hulyo 11 hanggang 24 kumpara sa kaso noong Hunyo 27 hanggang Hulyo 10.