Makakaranas ng makulimlim na kalangitan at isolated rain showers ang Metro Manila at ilang bahagi ng bansa ngayong araw ng Linggo, batay sa pagtaya ng PAGASA.
Ito ay dahil sa easterlies at localized thunderstorms.
Ayon sa state weather bureau, posibleng magresulta ng flash floods at landslide sa panahon ng matinding pagkulog.
Ang mga tubig sa baybayin ay magiging bahagyang hanggang katamtaman sa buong bansa.
Ang pagsikat ng araw ay alas-5:32 ng umaga habang ang paglubog ng araw ay alas-6:14 ng gabi.
Samantala, sinabi ng PAGASA na maaaring umabot sa ”danger” level ang heat index sa 16 na lokasyon sa Linggo.
Ito ang mga lugar na maaring makaranas ng matinding init ngayong araw:
48°C —Aparri, Cagayan
47°C —Dagupan City, Pangasinan
45°C —Virac (Synop), Catanduanes
44°C —Laoag City, llocos Norte —Bacnotan, La Union
43°C —Tuguegarao City, Cagayan —Masbate City, Masbate
42°C —MMSU, Batac, Ilocos Norte —ISU Echague, Isabela —Casiguran, Aurora
—Puerto Princesa City, Palawan – Cuyo, Palawan —Roxas City, Capiz —Dumangas, Iloilo
—Zamboanga City, Zamboanga del Sur
—Cotabato City, Maguindanao