Napanatili ng bagyong Aghon ang kanyang taglay na lakas habang patuloy itong kumikilos pa hilagang kanluran sa may bahagi ng SIBUYAN SEA.
Malawak ang dala nitong kaulapan na magdudulot ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Inaasahang kikilos ito generally west northwestward hanggang northwestward sa Sibuyan Sea at Tayabas Bay.
Maaari naman itong mag landfall sa may bahagi ng Marinduque sa loob ng 24 oras at tatawid sa CALABARZON area
Hindi rin inaalis na humina ang bagyo at maging low pressure area pagsapit sa ganitong period.
Posible rin itong lumakas at tumaas pa sa tropical storm category bukas ng umaga.
Tinatayang lalabas ito sa Philippine Area of Responsibility sa Martes ng madaling araw.
Batay sa datos ng Bombo Weather Center, huling namataan ang mata o sentro ng bagyong Aghon sa coastal waters of Sibuyan Island.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 70 km/h.
Patuloy ang galaw nito pa West Northwestward sa bilis na 20 km/h.
Tanging mga lugar na lamang sa Luzon ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 1.
Kabilang na rito ang mga sumusunod na lugar;
Eastern portion ng Quirino, eastern portion ng Nueva Vizcaya, Bulacan,eastern portion ng Nueva Ecija, eastern portion ng Pampanga, Aurora, Quezon including Pollilo Islands, Metro Manila, eastern portion ng Cavite , Laguna, Rizal,eastern portion ng Batangas ,Marinduque, northeastern portion ng Oriental Mindoro , eastern portion ng Occidental Mindoro at Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, northern portion ng Masbate kabilang na ang Burias at Ticao Islands.