-- Advertisements --
weather update

Posibleng makaranas ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa na mga isloated na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng localized thunderstorms.

Ang shearline o banggaan ng mainit at malamig na hangin ang magdadala ng maulap na kalangitan na may malaking tsansa ng mga pag-ulan sa Aurora, Quezon, Rizal, Laguna at Camarines Norte.

Samantala, patuloy pa rin ang pag-iral ng Hanging Amihan. Ito ang magdadala ng mahihinang pag-ulan o maaaring pulo-pulong pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), at Cagayan Valley.

May nakataas naman na gale warning sa bahagi ng Batanes.

Gayunpaman, patuloy na binabantayan ang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng bansa at hindi inaalis ang posibilidad na maging bagyo ito sa mga susunod na araw.

Kung sakali mang maging bagyo ang LPA, tatawagin ito “Kabayan.”