-- Advertisements --

Humihirit ngayon ang mga grupo ng bus operators sa probinsiya at Metro Manila ng taas pasahe.

Sa isinagawang pagdinig sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sinabi ng grupo na ang taas pasahe ay bilang tulong para sila ay maka-recovers sa pagtaas ng mga presyo ng produktong petrolyo, mataas na tollway fee at mga pagtaas ng terminal fees sa mga malls at sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Sinabi ni Mega Manila Consortium Corporation spokesperson Juliet De Jesus, nais nilang gawing P17 mula sa dating P15 ang minimum na pasahe sa mga Metro Manila buses.

Habang ang pamasahe sa provincial buses ay nais nilang magtaas ng P2 at dagdag na sa mga susunod na kilometro.

Huling humirit ang grupo ng pagtaas ng pamasahe ay noon pang 2022.

Sinabi naman ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz na kanilang pag-aaralang mabuti ang petisyon na ito ng mga bus operators.