-- Advertisements --

Bantay sarado na ng mga otoridad ang Metro Manila para matiyak na hindi makakapasok dito ang mga terorista lalo na ngayon na magsisimula na ang ASEAN Summit.

Ayon kay PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na kanilang tinututukan ang lahat ng posibleng daanan ng mga terorista mula sa kalupaan, dagat at maging sa himpapawid.

Nagbigay naman ng katiyakan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na walang banta sa seguridad sa gaganaping ASEAN Summit ngayong Linggo.

Ayon kay Dela Rosa katuwang nila ang AFP at 19 na iba pang ahensya ng pamahalaan para tiyakin na ligtas ang mga delegado na dadalo sa naturang summit.

Aniya, wala umano silang namomonitor na banta.

Giit ni Dela Rosa na lahat ng paghahanda ay ginawa ng PNP at kung may mangyari pa ay wala na silang kontrol at kanila na lamang ipapasa Diyos ang lahat.

Nagtutulungan ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan kayat bantay sarado ang Air, Sea at Land Transportations para matiyak ang seguridad ng mga ASEAN delegates.