Kabilang ang Metro Manila at Bulacan sa 20 lugar sa Pilipinas na nasa panganbi ng climate damage pagdating sa built environment.
Nangunguna naman sa listahan ang probinsiya ng Pangasinan.
Nasa 80 naman na lugar sa bansa ang napasama sa 2023 Gross Domestic Climate Risk ranking at mahigit sa 2,600 territories worldwide.
Ito ay base na rin sa pag-aaral ng XDI na isang independent specialist sa physical climate risk and adaptation analytics.
Ayon sa XDI, ang naturang report ay base raw sa kanilang projections ng damage para sa pagsasasyos sa kalikasan dahil na rin sa epekto ng climate crisis kabilang na ang pagbaha, forest fires ang pagtaas ng sea level.
Ang Pilipinas na mayroong populasyon na 110 million ay karaniwang nakakaranas ng kahirapan, at regular na nakararanas ng pagbaha dahil sa mga pag-ulan at bagyo na mayroong average na 20 kada taon.
Ang sea level naman sa bansa ay tumaas ng tatlong beses na mas mabilis kumpara sa global average.
Narito naman ang top 20 areas sa Pilipinas na nasa panganib ng climate damage base sa ranking aggregated damage ratio metric.
Pangasinan
Pampanga
Nueva Ecija
Cagayan
Tarlac
Metro Manila
Bulacan
Isabela
Davao del Sur
Leyte
Ilocos Sur
Batangas
Cebu
Oriental Mindoro
Quezon
Laguna
Zambales
Negros Occidental
South Cotabato
Misamis Oriental
Lumalabas din sa report ng XDI na ang major centers ng global trade, manufacturing at economic activity ay kabilang sa mga “most exposed” sa extreme weather at climate change.
Base sa report, ang high ranking para sa aggregated damage ratio metric ay nagre-reflect na ang mga estado, probinsiya at mga teritoryo ay mayroong extensive built-up areas na sinabayan pa ng exposure sa climate change at extreme weather hazards.
Sa pag-aaral namang isigawa ng dalawang German institutions noong nakaraang taon, ang Pilipinas ay ang most disaster-prone country sa buong mundo.