-- Advertisements --
Nakatakdang bumuo ang Metro Manila Council ng ordinansa laban sa mga spaghetti wiring o ang buhol-buhol na mga kable na nakasabit sa mga kalsada na pinangangambahang magsisimula ng sunog.
Sinabi ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora, na isasama nila ang nasabing usapin kapag muling nagpulong ang mga alkalde sa Metro Manila.
Sa inisyal kasi na tinalakay nila ang usapin ay nagkasundo ang mga alkalde na ipaparating nila ang nasabing mga problema sa iba’t-ibang telecommunications company.
Tiniyak din ng Bureau of Fire Protection (BFP) na magsasagawa sila ng inspection sa mga nagkabuhol-buhol na kable para matiyak na walang mga open wire na maaring pagsimulan ng sunog.