-- Advertisements --
Aprubado na ng Metro Manila Council (MMC) ang resolusyon ng paghimok sa mga lokal goverment unit sa Metro Manila na magpasa ng sariling mga ordinansa sa pagsaaayos ng mga pagkakabit ng mga telecommunications at kable ng mga kuryente.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, na layon ng nasabing mga resolusyon ang mapaganda ang mga lansangan.
Isa rin dito ay magiging ligtas din ang publiko laban sa mga nakalambitin na mga kable.
Ayon din kay Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora na sa nasabing ordinansa ay malalayo sa disgrasya ang mga pedestrian at mga motorista.