-- Advertisements --
Mayor Francis Zamora

Ang nasabing konseho ay nagsagawa ng pagpupulong kasama ang Regional Development Council (RDC) upang tugunan ang iba’t ibang alalahanin sa kalakhang lungsod, partikular ang kalagayan ng single ticketing system.

Inanunsyo ng Metro Manila Council na ang single-ticketing system (STS), habang nasa pilot run pa lamang nito, ay malapit nang lumipat sa ganap na pagpapatupad pagkatapos na magawa ng konseho na ayusin ang mga isyu sa digital payments sa National Capital Region (NCR).

Pinangunahan ni San Juan City Mayor at MMC president Francis Zamora ang pagpupulong kasama si Metropolitan Manila Development Authority Chairman Romando Artes at iba pang mga alkalde at opisyal ng mga lungsod ng NCR.

Aniya, sa single-ticketing system, tuloy-tuloy naman umano ang nagaganap na pilot testing ng nasabing sistema.

Kung matatandaan, ang dry run ng single-ticketing system ay nagsimula noong Mayo 2, 2023.

Sinabi ni Zamora na ibinigay na ng MMDA ang mga hand-held device na gagamitin sa ganap na pagpapatupad ng single ticketing system sa mga lungsod sa Metro Manila.

Una nang iginiit ni Zamora, na ang kailangan na lamang nilang ayusin ay ang mga issue sa digital payments ng naturang sistema.