Hinihiling ng Metro Mania Council ang pagpaliban ng voter’s registration at pagsasagawa ng 2020 census dahil sa pangamba ng pagkalat ng coronavirus.
Kasunod ito ng pagsisimula na ng 2020 Census of Population and Housing, ganon din ang voter registration ng Commission on Election (Comelec).
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia, nais nilang gawin ang nasabing aktibidad sa Enero o kapag luwagan na ang restrictions gaya ng modiified general community quarantine.
Isa kasi na isinasaalang-alang ni Garcia ay ang health protocols at safety reasons kaya nais nilang ipagpaliban ang aktibidad.
Kinontra naman ng Comelec ang naging kahilingan na ito ng Metro Manila Council.
Ayon kay Comelec spokersperson James Jimenez, na gahol na sila sa oras para sa paghahanda sa halalan.