-- Advertisements --
Ipinasa na ng Metro Manla Council (MMC) ang resolusyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paglalagay ng designated fireworks display.
Sinabi ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora na sa ganitong hakbang ay maiiwasan na ang pagdami ng bilang ng mga mapuputukan ng mga iba’t-ibang klase ng paputok.
Ipapaubaya na lamang nito sa mga local government unit kung saang mga lugar ang pipiliin nilang isagawa ang fireworks displays.
Magugunitang patuloy ang paghikayat ng MMDA at ganun ang Department of Health (DOH) na maghanap na lamang ng ibang kaparaan para sa pagsalubong ng bagong taon.