Nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na magkaroon na lamang ng “uniformed” na oras sa ipinapatupad na curfew.
Ayon kay Paranaque City mayor at Metro Manila Council chairman Edgar Olivarez, nagkaisa ang mga alkalde na gawin na lamang mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ang curfew bilang bahagi ng paghihigpit.
Isinagawa ang nasabing kasunduan isang araw matapos na ibalik sa General Community Quarantine ang National Capital Capital Region at mga karatig na lugar.
Magugunitang nagkaroon din ng kalituhan ang ilang mga alkalde matapos ang iba’t ibang oras na ipinapatupad na checkpoint sa kanilang lugar.
Ang nasabi hakbang ay bilang paghihigpit ng mga NCR mayors para hindi na magkaroon pa ng pagdami ng kaso ng COVID-19.
Dagdag pa ni Mayor Olivares, gumagawa na rin sila ng resolusyon na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga palengke bukod pa sa mga pampasaherong sasakyan.
Ipapaubaya naman nila ito sa ibang mga alkalde kung magpapatupad ng pagpapasuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.
Magugunitang nagpatupad ng mandatory na pagsuot ng face shield sa mga pampublikong lugar sa Pateros at Mandaluyong.