-- Advertisements --

Nagkasundo ang 17 alkalde ng Metro Manila na ilagay sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region pagsapit ng June 1.

Ito ang sinabi ni Jojo Garcia ang general manager ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa isang online video public briefing.

Ayon kay Garcia, may mungkahi ang mga mayors sa kung ano ang limitasyon sa pagbubukas ng malls na isasangguni sa Inter-Agency Task Force.

Magpapanukala naman daw ang MMDA ng modified coding kung saan limitado lang ang pwedeng maging sakay ng mga sasakyan.

Tinatayang 30 hanggang 40-porsyento pa ng mga sasakyan ang inaasahan ng MMDA na magbabalik kalsada kapag ibinaba sa GCQ ang Metro Manila.

Paglilinaw ni Garcia, nasa kamay pa rin ng IATF ang desisyon kung magiging GCQ na ang NCR o ie-extend pa ang Modified Enhanced Community Quarantine na magtatapos sa May 31.

Bukas daw isusumite ng Metro Manila Council sa IATF ang resulta ng naging meeting ng konseho ngayong araw.