Naglabas ng resolution ang Metro Manila Council (MMC) na nanghihikayat sa Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) sa pagpapaluwag ng COVID-19 restrictions sa mga fully-vaccinated individuals sa National Capital Region (NCR).
Pirmado ng lahat ng mga alkalde ng Metro Manila ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution No. 21-19.
Nakasaad dito na kapag naluwagan ang mga restrictions ng mga fully vaccinated individuals ay maibabalik ng pakonti-konti ang sigla ng ekonomiya.
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalaos na mayroon na kasing 56 percent ng mga eligible population sa NCR o katumbas ng 5,492,344 individuals ang nakapagturok na ng dalawang doses ng kanilang bakuna habang 84.21 percent ng eligible population o 8,262,558 individuals ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng bakuna.