Majority umano sa mga alkalde sa Metro Manila ang sang-ayon na ilagay sa mas mahigpit na lockdown ang Metro Manila hanggang katapusan ng Agosto.
Ayon sa Metro Manila Council, karamihan sa mga ito ay pabor sa pagpapanatili ng modified enhanced community quarantine hanggang katapusan ng buwan.
Ang nasabing desisyon ay mababago pa dahil nakatakdang magpulong muli ang mga alkalde ng Metro Manila bukas sa araw ng Linggo.
Sinabi ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, ang chairman ng Metro Manila Council, na posibleng maibalik sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR subalit ito ay maaaring magbago depende sa gagawing pagpupulong nila sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) bago magtapos ang August 18 deadline.
Nagpahayag naman ng suporta ang ilang alklalde sa Metro Manila kung saan maging si San Juan City Mayor Francis Zamora na palawigin pa ng hanggang katapusan ang MECQ.
Dedepende naman sa desisyon din ng IATF si Navotas City Mayor Toby Tiangco kung ano ang kanilang magiging desisyon.