-- Advertisements --

Binigyang diin ni San Juan City Mayor Francis Zamora na ang mga local government units sa Metro Manila ay nakahanda para sa epekto ng bagyong betty habang binabantayan nila ang mahigit 400 na natukoy na low-lying areas sa buong rehiyon.

Sinabi ni Zamora, na pangulo rin ng Metro Manila Council, na ang rehiyon ay naghahanda para sa paglakas ng bagyo sa habagat na inaasahang magdadala ng 24-hours na matagal na pag-ulan na may sukat na hanggang 50 milimeters sa mga susunod na araw, kahit na maaaring hindi direktang maapektuhan ng bagyong Betty ang rehiyon.

Aniya, mula noong araw ng Miyerkules noong nakaraang linggo, naghahanda na ang mga kinauukulan sa Metro Manila.

May kabuuang 423 low-lying barangays sa Metro Manila na natukoy ng Mines and Geosciences Bureau at MMDA ay maaaring maapektuhan, at ito ay ipinaalam na sa mga alkalde noon pang Biyernes.

-- Advertisement --

Ayon kay Zamora, naghanda ang mga local government executives ng mga pumping station sa buong rehiyon at nakipag-ugnayan sa mmda para subaybayan ang mga istasyong ito, lalo na sa mga mababang lugar.

Tiniyak din ni Zamora sa publiko na lahat ng lgu ay naghanda ng mga rescue boat, sasakyan, emergency equipment, at pumping stations.

Sa paghahanda sa buong bansa, naunang sinabi ng National Disaster Risk Reduction and ,anagement council (NDRRMC) na 1,679 teams mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard (pcg) ang naka-standby para sa search, rescue at retrieval operations.