-- Advertisements --

Hindi na nakapagdesisyon ang mga Metro Manila Mayors kung papayagan na ang mga bata na makagala sa mga mall.

Sa naging virtual meeting ng mga Metro Manila Council nitong Martes ng gabi, na dinaluhan ng mga alkalde ng Metro Manila ay wala pang na nabuong desisyon sa nasabing usapin.

Hihintayin pa nila ang opinyon ng mga health experts kung ligtas na nga ba ang mga kabataan na makalabas sa kanlang mga bahay.

Ibabase nila ang nasabing opinyon ng mga health experts para sa kaligtasan na rin ng mga mamamayan.

Agad aniya silang magpupulong muli kapag nailabas na ng mga health experts ang kanilang opinyon.

Magugunitang inihayag ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano ang pagpayag sa mga kabataan na makalabas na ng kanilang bahay at makapunta sa mga mall basta kasama nila ang kanilang magulang.

Kailangan lamang aniya na maglabas din ang mga local government units ng mga ordinansa para sa nasabing pagpayag sa mga kabataan.